
IMPORMASYON AT PAYO
Anu-ano ang maaari mong asahan kapag nagtatrabaho sa Hong Kong?
Meron kang mga karapatan matatagpuan sa batas ng Hong Kong. Sundan ang link na ito upang makita ang mga karapatang ito.
Anong insurance ang dapat na ibigay sa iyo ng iyong tagapag-empleyo?
Ang mga tagapag –empleyo o amo ay kailangang magbigay ng Employee Compensation Insurance sa mga empleyado. Nagbibigay ito ng kasiguruhan kung ikaw ay maaksidente habang ikaw ay nagtatrabaho. Ang mga taga pag-empleyo na hindi nagbibigay ng insurance ay maaaring mapatawan ng parusa. Kung nais mong malaman ang ibang detalye tungkol sa insurance na dapat ibigay sa iyo, sundin ang link na ito
Hindi saklaw ng Employee Compensation Insurance ang kasiguruhang pangkalusugan o health insurance. Ang mga tagapag –empleyo ay may obligasyong magbigay ng libreng pagpapagamot. Kasama ditto ang konsultasyong medical, pagpapagamot sa ospital at emergency na paggamot sa ngipin. May karagdagang kaalaman dito.
Inpormasyon tungkol sa Employment Agency
Kailangan ko ba gumamit ng employment agency para makapag-trabaho sa Hong Kong?
Hindi. Sa Hong kong hindi mo kinakailangang makakuha ng trabaho sa pamamagitan ng employment agency ngunit maaaring maging requirement ito ng bansang iyong pinanggalingan.
Kung ikaw ay may tanong tungkol sa paksang ito, makipag-ugnay sa konsulado ng Pilipinas dito sa Hong Kong. May impormasyon para matawagan ang konsulado dito
Paano ko malalaman kung ang isang employment agency ay mapapagkatiwalaan?
Una, bago gamitin ang serbisyo ng isang agency, dapat mong suriin kung ito ay may mga wastong lisensya. Maaari mong suriin ito sa.
Hindi ka maaaring singilin ng iyong employment agency ng anumang pera para sa paglagay sa iyo sa trabaho maliban sa komisyong itinakda. Sa kasalukuyan ito ay nakatakda sa 10% ng iyong unang buwang suweldo pagkatapos ng paglagay sa iyo sa trabaho. Upang maprotektahan ang iyong sarili, humingi ng resibo mula sa ahensya pagkatapos mong bayaran ang komisyon.
Kung sa palagay mo ay sinisingil ka nang sobra ng iyong employment agency, dumulog sa Employment Agency Administration sa lalong madaling panahon. Mahahanap mo sila sa Unit 906, 9/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon. Maaari silang tawagan sa +852 2115 3667 o i-email ea-ee@labour.gov.hk. Ang kanilang website ay www.eaa.labour.gov.hk.
Kung nais mo ng karagdagang impormasyon upang maunawaan ang iyong mga karapatan, maaari mong basahin ang Code of Practice for Employment Agencies: https://www.eaa.labour.gov.hk/_res/pdf/CoP_Eng.pdf
Narito ang ilang mga babasahin na maaring makatulong sa iyo:
https://www.fairagency.org/.../covid-how-long-does-it.../
https://www.helperchoice.com/c/domestic-helper/agency
https://www.helperplace.com/blog/best-maid-agency-hong-kong
Mga Flight / Transportasyon
Dapat sagutin ng iyong employer ang mga gastos sa paglalakbay mula sa iyong tahanan papuntang Hong Kong. Kasama rito ang:
• Pagbyahe mula sa iyong sariling bansa patungong Hong Kong kapag sinimulan mo ang kontrata
• Pagbyahe mula sa Hong Kong patungo sa iyong sariling bansa kapag natapos na ang kontrata.
• Paglakbay mula at patungo sa iyong lugar na pinagmulan papunta sa international airport para sa iyong flight papunta sa Hong Kong.
• Allowance sa pagkain at paglalakbay na HK$100 bawat araw (sumangguni sa employment contract clause 7b)