
MGA LIGAL NA PAYO AT KARAPATAN
Pamantayang kasunduan para sa mga Katulong sa Hong Kong
Ang lahat na mga tagapag-empleyo at dayuhang kasambahay ay gumagamit ng parehong kasunduan na ibinigay ng pamahalaan. Ang bawat kasunduan ay dalawang taon.
Dito mo makikita ang kasunduan: https://www.immd.gov.hk/eng/forms/forms/id407.htm
May karagdagang kaalaman ukol sa pamantayang kasunduan dito: https://helpfordomesticworkers.org/en/get-help/understanding-your-contract/
Pagwawakas ng kasunduan
Kailangang magbigay ng isang buwang palugit kung ang kasunduan ng empleyo ay tatapusin na ng tagapag-empleyo o ng kasambahay.
Ang pagtatapos ny pag-empleyo ay kailangang ipaalam sa Foreign Domestic Helpers section ng Immigration Department ng Hong Kong sa loob nang 7 araw. Kung ikaw ay hindi binigyan ng isang buwang palugit ng iyong tagapag-empleyo, ipaalam mo ito sa Immigration Department.
Ang mga dapat babayaran ng iyong tagapag-empleyo sa pagtatapos ng iyong panahon ng trabaho:
-
lahat ng sweldo na nauukol sa iyo
-
kabayaran sa matagal na pagseserbisyo, kung ikaw ay nagtrabaho nang hindi bababa sa limang taon
-
anumang taunang bakasyon na hindi mo nagamit
-
severance payment, kung ang iyong trabaho ay naputol dahil ang iyong posisyon ay naging kalabisan (redundang) at ikaw ay nakapagtrabaho nang hindi bababa sa dalawang taon
-
pamasahe pauwi sa iyong bansa at panggastos para sa pagkain at paglalakbay nang hindi bababa sa HK$100/araw
May karagdagang kaalaman ukol sa pagtatapos ng empleyo dito:
https://www.fairagency.org/.../termination-contract.../
https://helpfordomesticworkers.org/.../unreasonableunlaw.../
Ang iyong mga karapatan bilang empleyado
Araw ng Pahinga
Ang iyong tagapag-empleyo ay dapat magbigay o maglaan ng isang araw na pahinga (tuloy-tuloy na 24 oras) kada pitong araw.
Makakakuha ka din ng Statutory Holidays bawat taon. Makikita dito ang mga Statutory Holidays ng Hong Kong: https://www.labour.gov.hk/eng/news/holidays_list.htm
Kung ang Statutory Holiday ay bumagasak sa iyong araw ng pahinga, dapat kang bigyan ng karagdagang araw na pahinga upang makatumbas ang Statutory Holiday.
Bukod sa Statutory Holidays, ang Hong Kong ay mayroong limang Public Holidays: Good Friday, Easter Saturday, Easter Monday, Buddha’s Birthday at Boxing Day. Maaaring ibigay na araw ng pahinga ang mga ito nguni’t ito ay desisyon ng iyong tagapag-empleyo. Hindi ito iniuutos ng batas.
Makakakuha ka din ng katumbas ng 7 araw na bayad na bakasyon (paid leave) bawat taon. Tataas ang bilang ng araw ng bayad na bakasyon batay sa tagal nang iyong pagtrabaho para sa iyong tagapag-empleyo. Hindi ka mapipilit ng iyong tagapag-empleyo na magtrabaho sa panahon ng iyong araw ng pamamahinga at Public Holidays. Kung ikaw ay magtrabaho sa mga araw na ito, ikaw ay dapat na makatanggap ng kaukulang bayad.
May karagdagang kaalaman ukol sa bayad na pamamahinga at holidays dito: https://www.fdh.labour.gov.hk/en/publication.html
Sahod
Ang iyong sahod ay dapat bayaran nang buo ng iyong tagapag-empleyo batay sa inyong kasunduan. Hindi ito pwedeng bumaba sa pinakamababanga sahod na pinapayagan sa Hong Kong nang pniirmahan ang inyong kasunduan. Ang iyong sahod ay dapat ibigay nang hindi lalagpas sa 7 araw pagkatapos ng panahong ito ay kinita.
Pagkain
Ang iyong tagapag-empleyo ay dapat magbigay ng libreng pakain o di kaya pera pambili ng pagkain habang ikaw ay nagtatrabaho sa kanila.
Tirahan
Sa buong panahon ng pagtatrabaho, dapat kang magtrabaho at manirahan sa lugar ng iyong tagapag-empleyo ayon sa nakasaad sa inyong kasunduan. Ang iyong tagapag-empleyo ay kailangan magbigay ng lugar na may pagkapribado para sa iyo. Halimbawa, hindi ka pwedeng pilitin matulog sa parehong silid kasama ang ibang kasarian na may gulang na.
Travel Allowance
Ang iyong tagapag-empleyo ay dapat magbigay sa iyo ng ticket o kaukulang bayad para sa paglalakbay mula sa iyong bansa patungo sa Hong kong.
Pagkatapos ng panahon ng empleyo ayon sa kasunduan, ang iyong tagapag-empleyo ay dapat magbigay ng or magbayad ng iyong pamasahe pabalik sa iyong bansa.
Pangangailangang Pangkalusugan
Ikaw ay bibigyan ng libreng paggamot habang ikaw ay nagtatrabaho sa Hong Kong, hindi alintana kung ang sakit ay nangyari habang o dahil sa pagtatrabaho sa Hong Kong.
Hindi mo kailangang magtrabaho kung ikaw ay may sakit. Sa unang taon ng trabaho sa iyong tagapag-empleyo, ikaw ay may nakalaan na 2 araw na bayad na sick leave sa isang buwan. Pagkatapos ng unang taon, maaari kang makakuha hanggang 4 araw na bayad na sick leave sa isang buwan.
Dapat bayaran ng iyong taga pag empleyo ang iyong mag bayaring medical. Kasama dito ang pagkonsulta sa manggagamot, mga gastos sa pagka-ospital at paggamot sa ngipin na emergency. Ang iyong tagapag-empleyo ay dapat kumuha ng insurance upang mabayaran ang mga gastos na ito.
Kung ikaw ay nagbayad ka para sa gastusing medikal, maaari mong singilin ito sa iyong tagapag-empleyo. Ipunin at itago lahat ng mga resibo at katibayan ng iyong pagkakasakit at paggamot.
Mga Karagdagang Impormasyon
Maaari kang pumunta sa LABOUR RELATIONS DIVISION ng LABOUR DEPARTMENT para makakuha ng tulong at malaman ang iyong mga karapatan or kung ikaw ay may mga reklamong patungkol sa iyong tagapag-empleyo o di kaya nakipagtalo sa mga ito.
Ang Labour Department ay may website na may pangkalahatang deskripsyon ng iyong mga karapatan sa iba’t ibang salita: https://www.fdh.labour.gov.hk/en/fdh_corner.html
Mayroon din silang sagot sa mga madalas na katanungan dito: https://www.fdh.labour.gov.hk/en/faq.html
Ang grupong HELP for Domestic Workers ay maroon ding impormasyong maaaring makatulong sa pag-intindi ng iyong mga karapatan biling dayuhang kasambahay: https://helpfordomesticworkers.org/.../understanding.../
Bago Dumating sa Hong Kong
Dapat meron kang Visa bago ka dumating sa Hong Kong. Maari kang mag apply ng visa online sa pamamagitan ng: https://www.gov.hk/en/residents/immigration/nonpermanent/entryvisafornewfdh bago ka dumating ng Hong Kong
Pagdating sa Hong Kong
Kung nais mong mag apply upang baguhin ang iyon tagapag-empleyo: https://www.gov.hk/en/residents/immigration/nonpermanent/applyextensionstay/fdh.htm
Dapat mong lisanin ang Hong Kong kapag nakumpleto ang iyong kontratra. Kung ang iyong kasunduan ay naputol bago ma-kumpleto ang panahon ng pag-empleyo, dapat kang umalis sa loob ng dalawang lingo pagkatapos ng pagwawakas nito. Kung kailangan mong pahabain ang iyong pamamalagi sa Hong Kong, maaari kang mag-apply ditto: https://www.gov.hk/en/residents/immigration/nonpermanent/applyextensionstay/fdh.htm
Maari ka ring mag-bigay ng application upang mahabaan ang iyong pamamalagi sa Hong Kong sa oras nang trabaho:
Foreign Domestic Helpers Section
3/F, Immigration Tower, 7 Gloucester Road, Wan Chai
Sila ay bukas nang:
8:45 a.m.-4:30 p.m. (Lunes hanggang Biyernes)
9:00 a.m.-11:30 a.m. (Sabado)
Sarado sila ng Linggo at Public Holidays